Iskolar
Marami sa mga
nag-aaral ngayon sa kolehiyo ay nagbabayad ng malaki para sa kanilang tuition
fee, miscellaneous fee at ibat-ibang bayarin pati narin ang mga libro, uniporme
at mga kagamitang kakailanganin. Hindi pa kasama dito ang pamasahe at perang
pambili ng pagkain kung kaya`t napakalaki ng perang gagastusin, hindi naman
lahat ng nag-aaral ay may kakayanan upang makapagbayad ng malaking halaga upang
makapagtapos ng pag-aaral.
Sa napakaraming
paaralang pang kolehiyo dito sa Pilipinas ma pa kolehiyo man o pribado,
masasabi kong nag-iisa lang ang paaralang pribado na walang hinihinging tuition
fee at kung anu-ano pang bayarin, ultimo uniporme ng mga mag-aaral at pagkain ay
libre. Ang institutiong ito ay ang La Verdad Christian College (LVCC) na
ipinatayo noong 2009 upang makatulong at mapag-aral ang sinomang nagnanais na
makapagtapos ng kolehiyo sa pangunguna ni Bro. Eliseo F. Soriano at Kuya Daniel
Razon. Ito ay matatagpuan sa Apalit Pampanga at Caloocan
(Metro Manila) at ngayon mayroon narin sa
Ghana , Africa at Liberia .
Sa napakaraming
mag-aaral masasabi kong ako ay napakapalad upang na mapabilang sa isa sa mga
iskolar ng La Verdad Christian College. Napakagaan sa loob na nakakapag-aral
ako ngayon at nakakatulong na rin sa aking mga magulang. Malaki ang pagpapasalamat
ko sa Dios unang una at pangalawa ay kina Bro. Eli at Kuya Daniel. Hindi biro
ang pagiging iskolar ngunit hindi hadlang ang mga problema upang magaapanan ng
maayos ang ating mga nais sa buhay.
Ang institutiong
ito ay naglalayong makapagbigay ng libreng scholarship sa mga nagnanais
makapagpatuloy at makapagtapos ng pag-aaral ng walang iintindihing gastusin.
Nais lang ng institusyong ito na pagbutihin at pagtuunan ng mabuti ang kanilang
pag-aaral ng mga iskolar na mag-aaral.
Ang pinagkaiba lang nito sa ibang institusyon mas advance ang mga pinag-aaralan
at matututukan talaga ng mabuti ang bawat isang mag-aaral. Kinakailangan lang
nila na ipagpatuloy ang magandang marka upang hindi sila matanggal sa
iskolar. Gayun pa man bukas parin ang
institusyong ito sa mga nagnanais mag-aral ng dalawang taong kurso hanggang
apat na taon.
-News Features