Unang UNTV- Cup Matagumpay Na Nailunsad
Maayos na naisagawa ang kauna-unahang UNTV-Cup
na ginanap noong ika-29 ng Hulyo 2013 sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao,
Quezon City sa ganap na alas-7 ng gabi
sa pangunguna ni CEO at Chairman na si
Kuya Daniel Razon , (BMPI) Break through and Milestone Production International at partisipasyon of Fortunato
“Atoy” Co, Jr (Mapua coach and Commissioner).
Ang mga kalahok
sa nasabing proyektong ito ay ang mga ahensya ng pamahalaan ay ang Armed Forces of the Philippines (AFP),
Philippine National Police (PNP), Phil health, Department of Justice (DOJ),
Metro Manila Development Authority (MMDA), and the Supreme Court (SC). Imbitado
din dito si Manny Pac-man Pacquio na kilala sa larangan ng “boxing”kasama ng kanyang
mga co-public servants at iba pang personalidad na inimbitahan para bigyang
kasiyahan ang mga manunuod. Pagod man ang mga grupong kalahok, ang bawat isa sa
kanila ay nag nasiyahan sa kanilang paglalaro.
Inilunsad ang proyektong ito upang
magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan sa bawat grupo upang makatulong sa
mapipili nilang charitable institution.
Ang grupong mananalo sa proyektong
ito ay magkakamit ng isang milyong piso
at limang daang piso para sa runner up.
-Straight News-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento