Napoles- Inatake ng Highblood Pressure
Utak sa sampung bilyong pork barrel
scam na si Janet Lim Napoles na ngayon ay nasa kanyang detention facility sa Fort Sto .
Domingo, Sta Rosa Laguna ay dumanas ng anxiety
attack dahil sa takot mag-isa kung kaya`t tumaas ang kanyang blood pressure nitong ika-2 ng Setyembre taong kasalukuyan,
dakong alas tres ng madaling araw.
Ayon kay PNP Public Information Office (PNP-PIO) Chief Sr.
Supt. Reuben Theodore Sindac, nagkaroon ng “claustrophobhic disorder”na
tumutukoy sa matinding takot, dahil sa isolated area ang kinalalagyan nito
marahil takot din itong mabilad sa kahihiyan sa harap ng publiko.
Ayon din
sa mga nakatalagang nurse, umabot sa 180/150 at bumaba rin ang ‘sugar’ nito sa
40-mg. Ngunit agad naman itong bumalik
sa normal na presyon nag dugo na 120/90 at ang sugar level nito na 112-mg.
matapos ang isang oras. Ipinagbawal din muna kay Napoles ang pagkain ng mga
karne at mamantikang pagkain upang maiwasan ang pagtaas ng blood pressure.
Marami ang
umaasang hindi gagawing dahilan ni Napoles ang kanyang karamdaman upang
matakasan ang kasalanan na kanyang kinakasangkutan. Dahil kung tutuusin
ibinigay na lahat sa kanya ang lahat ng seguridad upang maging maayos ang
kanyang kalagayan sa detention facility.
-Straight News-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento