Biyernes, Setyembre 6, 2013

Iskolar





 Iskolar

Marami sa mga nag-aaral ngayon sa kolehiyo ay nagbabayad ng malaki para sa kanilang tuition fee, miscellaneous fee at ibat-ibang bayarin pati narin ang mga libro, uniporme at mga kagamitang kakailanganin. Hindi pa kasama dito ang pamasahe at perang pambili ng pagkain kung kaya`t napakalaki ng perang gagastusin, hindi naman lahat ng nag-aaral ay may kakayanan upang makapagbayad ng malaking halaga upang makapagtapos ng pag-aaral.

Sa napakaraming paaralang pang kolehiyo dito sa Pilipinas ma pa kolehiyo man o pribado, masasabi kong nag-iisa lang ang paaralang pribado na walang hinihinging tuition fee at kung anu-ano pang bayarin, ultimo uniporme ng mga mag-aaral at pagkain ay libre. Ang institutiong ito ay ang La Verdad Christian College (LVCC) na ipinatayo noong 2009 upang makatulong at mapag-aral ang sinomang nagnanais na makapagtapos ng kolehiyo sa pangunguna ni Bro. Eliseo F. Soriano at Kuya Daniel Razon. Ito ay matatagpuan sa  Apalit  Pampanga at Caloocan (Metro Manila) at ngayon mayroon narin sa  Ghana, Africa at Liberia.

Sa napakaraming mag-aaral masasabi kong ako ay napakapalad upang na mapabilang sa isa sa mga iskolar ng La Verdad Christian College. Napakagaan sa loob na nakakapag-aral ako ngayon at nakakatulong na rin sa aking mga magulang. Malaki ang pagpapasalamat ko sa Dios unang una at pangalawa ay kina Bro. Eli at Kuya Daniel. Hindi biro ang pagiging iskolar ngunit hindi hadlang ang mga problema upang magaapanan ng maayos ang  ating mga nais sa buhay.

Ang institutiong ito ay naglalayong makapagbigay ng libreng scholarship sa mga nagnanais makapagpatuloy at makapagtapos ng pag-aaral ng walang iintindihing gastusin. Nais lang ng institusyong ito na pagbutihin at pagtuunan ng mabuti ang kanilang pag-aaral  ng mga iskolar na mag-aaral. Ang pinagkaiba lang nito sa ibang institusyon mas advance ang mga pinag-aaralan at matututukan talaga ng mabuti ang bawat isang mag-aaral. Kinakailangan lang nila na ipagpatuloy ang magandang marka upang hindi sila matanggal sa iskolar. Gayun pa man bukas parin ang institusyong ito sa mga nagnanais mag-aral ng dalawang taong kurso hanggang apat na taon.






-News Features





Napoles- Inatake ng Highblood Pressure




Napoles- Inatake ng Highblood Pressure


Utak sa sampung bilyong pork barrel scam na si Janet Lim Napoles na ngayon ay nasa kanyang detention facility sa Fort Sto. Domingo, Sta Rosa Laguna ay dumanas  ng anxiety attack dahil sa takot mag-isa kung kaya`t tumaas ang kanyang blood pressure  nitong ika-2 ng Setyembre taong kasalukuyan, dakong alas tres ng madaling araw.

Ayon kay PNP Public Information Office (PNP-PIO) Chief Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, nagkaroon ng “claustrophobhic disorder”na tumutukoy sa matinding takot, dahil sa isolated area ang kinalalagyan nito marahil takot din itong mabilad sa kahihiyan sa harap ng publiko.

Ayon din sa mga nakatalagang nurse, umabot sa 180/150 at bumaba rin ang ‘sugar’ nito sa 40-mg.  Ngunit agad naman itong bumalik sa normal na presyon nag dugo na 120/90 at ang sugar level nito na 112-mg. matapos ang isang oras. Ipinagbawal din muna kay Napoles ang pagkain ng mga karne at mamantikang pagkain upang maiwasan ang pagtaas ng blood pressure.
Marami ang umaasang hindi gagawing dahilan ni Napoles ang kanyang karamdaman upang matakasan ang kasalanan na kanyang kinakasangkutan. Dahil kung tutuusin ibinigay na lahat sa kanya ang lahat ng seguridad upang maging maayos ang kanyang kalagayan sa detention facility.


-Straight News-




Unang UNTV- Cup Matagumpay Na Nailunsad





Unang UNTV- Cup Matagumpay Na Nailunsad



 Maayos na naisagawa ang kauna-unahang UNTV-Cup na ginanap noong ika-29 ng Hulyo 2013 sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City  sa ganap na alas-7 ng gabi sa pangunguna ni CEO at Chairman na si  Kuya Daniel Razon , (BMPI) Break through and Milestone Production   International at partisipasyon of Fortunato “Atoy” Co, Jr (Mapua coach and Commissioner).


Ang mga kalahok sa nasabing proyektong ito ay ang mga ahensya ng pamahalaan ay ang  Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Phil health, Department of Justice (DOJ), Metro Manila Development Authority (MMDA), and the Supreme Court (SC). Imbitado din dito si Manny Pac-man Pacquio na kilala sa larangan ng “boxing”kasama ng kanyang mga co-public servants at iba pang personalidad na inimbitahan para bigyang kasiyahan ang mga manunuod. Pagod man ang mga grupong kalahok, ang bawat isa sa kanila ay nag nasiyahan sa kanilang paglalaro. 


Inilunsad ang proyektong ito upang magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan sa bawat grupo upang makatulong sa mapipili nilang charitable institution.  Ang grupong  mananalo sa proyektong ito ay magkakamit ng  isang milyong piso at limang daang piso para sa runner up.  






-Straight News-